Bordering on a not-so-normal day
Tuesday, November 15th, 2005After ng isang makabag-damdaming entry, eto na naman ako at nakakaisip ng mga bagay bagay. Sobrang tamad kaninang umaga, nakahiga pa lang ako eh iniisip ko na ang excuse ko for not going to work, but noh. Naisip ko, i have to be more responsible now. wehehehe. Dapat lang, coz I need to give back to Crescent the service that is due to them, i’m getting paid for it, kahit na parang binili na nila ang kaluluwa ko for making me take calls from the racist @#!$%#@#$@#&^.
Mejo ok naman ang umaga, mejo senti lang kanina pagsakay ko ng lrt. Naalala ko ang mama ko. Pag nakakakita ako ng mga babae tipong kaedad niya palagi kong inisip bakit hanggang dun lang ang mama ko. Hindi lang ako ang namatayan ng mama sa mundo pero ganito pala un noh? Parang gusto mong tumigil ng mundo para makipagluksa sila sayo. Minsan nga parang di ko kilala ang sarili ko pag nasasabi kong ok lang ako….Kasi hindi eh.todo hirap naman ata nito, sabay sabay daw ba? Sabi ko na nga ba me catch ang pagiging God’s favorite eh…palaging napagtutuunan ng pansin.
Hay, mejo umo-kei ok naman ang mood ko ng makita ko ang team leader ko. Its been quite a while since i saw her. Grabeh, kelangan ko na ng coaching dahil ang tagal na naming di nakakapag-usap. Mas naging ok nung nalaman kong ok ung mga quality ko. at least hindi masyadong tanga ang feel ko sa sarili ko dahil nakaka 98% ako sa mga calls ko….dapat lang noh! ang dami ko kayang calls na maayos at complete information tapos ung makukuha nila eh ung pangit na call na once in a blue moon. hay.
At nadagdagan pa ng malaman kong naconfirm na nung logistics head namin na ok na sa isang univ ung venue, meaning to say eh pwede kaming magrent kahit outsider kami at ito ay mas lower ang rate! Hay when it rains it pours. To top it all off, one of our prospective sponsors is interested to be our partner! Grabeh! Ang galing ng team namin sa WYA. God blessed us with great talents, I can’t ask for more…except for….joke lang!
Dumating na ang isang friendship ko from London, another one will arrive at the end of the week from Bicol, wehehehe, things are looking up though it started on a very tiring day. Sabi ko na nga ba eh..Hope ill get to accomplish all the things that need to be done. God mejo mahaba pa ung week, make me productive please? =)