Maligayang araw!

Ang ganda ng simula at pagtatapos ng araw ko. Nagising ako ng hindi pagod..hindi naman excited, pero hindi rin tamad na pumasok, magaan ang pakiramdam ko pagpasok sa work. Hindi naman mahihirap ang mga calls ko, hindi rin karamihan..at me dalawang sale ako!weheheehe..

Kanina pagtingin ko sa langit habang nakasakay ako sa lrt, nakita ko ang ganda ng langit. Blue na blue siya parang ang saya saya niya, naisip ko siguro nakatawa si God ngaun. pero hindi naman ibig sabihin na pag makulimlim eh galit siya..Naisip ko lang na masaya siya.

Nilibre kami ni cor kanina ng pizza, the best talga ang pizza, tapos sabayan mo ng pasta! naku! solve! Natapos ng magaan ang araw ko..at tapos nandito ako..sinusulat at tinatala ang isang araw sa buhay ko na sobrang pinagpala ni God. MArami pa pala akong gagawin..Di bale. kayang kaya..9:30 pa shift ko eh..weehehehe..

There will be more days like this… and better..

Leave a Reply